Tag Archives: Naniniwala

[Statement] Isang Bukas na Liham para sa Lahat ng mga Mamamayang-Pilipino by Mario De Vega

Pahayag: Isang Bukas na Liham para sa Lahat ng mga Mamamayang-Pilipino

Ika-19, ng Agosto 2013 (Anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulong Quezon)

Mario De Vega

Mahal kong mga Kababayan,

Nananawagan po ng pagkakaisang-loob ang munting liham na ito para sa ating lahat na mga tunay na mga anak ng bayan at sa buong mamamayang Pilipino hinggil po sa napakalaking isyu’t suliranin na kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa.

Muli po tayong nahaharap sa isa na namang pagsubok na muli pong susukat sa ating lahat, hindi lamang po bilang mga Pilipino, kundi bilang mamamayan din ng daigdig!

Batid ko pong hindi lingid sa inyong kaalaman na ang tinutuloy ko pong problema ay ang malawakang nakawan, lantarang pandarambong, walang habas na paglaspag at sistematikong pagnananaw ng pondo at kaban ng bayan.

Ito po ang nakalaking problema hinggil po sa usapin ukol sa Pork Barrel, na sa akin pong paningin ay siyang isa sa ugat ng mga problemang tinukoy ko sa itaas.

Sa punto pong ito ay ibig kong kilalanin ang ambag ni dating senador Lacson hinggil sa usaping ito. Mula’t mula pa noon ay tutol na siya sa ‘prinsipyo’ at lalo na sa implementasyon ng Pork Barrel.

Lubha po akong sumasang-ayon sa senador na ang pork barrel ay isa sa ugat ng malalang korapsyon sa bansa!

Ngayon po, dahil sa masigasig na pagtugaygay ng mga kapatid natin sa midya at mga independienteng mga manunulat at mananaliksik ay unti-unti na po nating natutunghayan at nakikita ang kahindik-hindik, karimarimarim at lantarang kalapastangang gawa ng usaping ito sa buong bansa.

Ibig ko pong magpugay sa pahayagang Philippine Daily Inquirer na kauna-unahang dyaryo na naglunsad ng sunod-sunod na pagsisiwalat at masinop na pagbubulgar ng delubyong ito.

Sadya po talagang nakagigimbal ang kalunos-lunos na katotohanang ito na nakalulungkot man pong sabihin ay batid na din natin noon pa! Ngunit ngayon lamang po natin sadyang nalaman o unti-unting nababatid sa kabuuan ang lalim at lawak ng pinsalang dulot ng anomalya at korapsyong ito!

Isa pa po sa lalong nakapanlulumong impormasyon ang hindi mapapasubaliang katotohanan na hindi lamang po si manunubang Napoles (at kapatid niya) ang damay dito, ngunit lumalabas na kabahagi, katuwang at kasapakat din niya ang ilan (hindi pa po natin batid ang eksaktong bilang) ng ating mga Tongresmen, Senadogs, mga peke at di umiiral na NGOs diumano at gayundin ang ilang mga prayle.

Kasumpa-sumpa po ang mga hayop na mga baboy na ito sa kanilang gawi, kalabisan ng sabihin na sila po ay talagang mga masasamang-loob, walang mga kaluluwa at itim ang mga buto!

Sa turan nga po ng isang senadora: MGA BABOY TALAGA!

Hayaan po ninyong sipiin ko ang ilang mga pananalita mula sa isang talumpati ni senadora Miriam Defensor Santiago:

“If I die, it will not be because of my blood pressure but because of my enemies. Biro mo sa diyaryo, 5 senator ang kasangkot, persons of interest, sa isang P10 billion scam. Billion, hindi million, B as in baboy talaga…”

Kasunod po nito ay nanawagan din ang senadora sa kanya niya mambabatas na sangkot sa eskandalong ito na magsumite muna ng “leave of absence” hindi bilang pagtanggap nila ng kasalanan, kundi kanilang kortesiya sa publiko at mamamayang-Pilipino ng sa gayon ay maging daan ito upang makausad ng maayos ang proseso ng imbestigasyon at mabilis na mahalukay ang buong pangyayari ng sa gayon, kung magkagayon nga ay lumabas ang buong katotohanan.

Nanawagan din po ang senadora sa kanyang mga kasama na nasasangkot sa usaping ito na magsabi ng buong katotohanan sa taong-bayan. Ito ay sa kabila ng kanilang kabatiran na marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at naghihikahos sa buhay!

Paano nila nagagawa o masisikmura ang bagay na ito?

Ayon pa sa Senadora:

“Naghahanapbuhay ang ibang tao, umulan, uminit, lalabas ka. Pag-uwi mo, dadaan ka pa sa battlezone, the classic problem in Metro Manila (traffic). Nakikipag-away ka. Kung ikaw naman housewife, mamalengke ka, halos lahat ng bilihin tumataas, wala kang magagawa. What do you have to say about this, niloloko tayo ng mga ito ah!”

Kalabisan ng sabihin, ngunit sang-ayon din ako sa maanghang na salitang binitiwan ng senadora na:

“I wanted to nuke the entire Senate building. That banner story is supported by affidavit, statements under oath. There is prima facie evidence against the senators. Prima facie means on the face. Mukha pa lang, makapal na.”

Mga kababayan, hindi po natin malulunasan ang suliraning ito sa pamamagitan lamang ng pagmura at pagtungayaw sa mga mga dayukdok at satanistang mga nilalang na kasangkot sa kababuyang ito!

Nutnutan na po ang kapal ng kanilang mga pagmumukha at sagad na po sa tigas ang kanilang mga apog!
Wala po silang konsepto ng dignidad o etika o konsiyensiya o moralidad o delicadeza o dangal! Sila po ay mga talipandas at mga animales na mas masahol pa sa pinakamaruming hayop!

Panahon na po na sila ay itakwil sa publiko at papanagutin sa kanilang karumal-dumal na krimen sa taong-bayan!

Kung kaya po, sumasang-ayon ako sa posisyon noon pa man ni senador Lacson na buwagin o ibasura na natin ang sistema ng Pork Barrel.

Inaanyayahan ko po ang ating mga kababayan na tunghayan po ninyo ang privileged speech ng nasabing senador na may titulong “Living without Pork”, na kanya pong binasa’t ipinahayag sa kapulungan ng Senado noong ika-11, ng Marso taong 2003.

Ako po ay umaayon din sa panukala, suhestiyon at payo ni senadora Santiago kay Pangulong Aquino na magtalaga ng mga retiradong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman (Korte Suprema) tulad nila Mahistrado Amorfina Herrera at Flerida Ruth Romero na mga taong marangal at hindi makukuwestiyon o mapapasubalian ang karakter, pagkatao at integridad na tatayo at gagampan bilang mga ispesyal na taga-usig (special prosecutor) upang mag-imbestiga at mangalap ng mga ebidensya, testimonya at lahat ng dokumento na konektado sa usaping ito.

Ang ispesyal na lupon din po ng mga taga-usig na ito ay nararapat lamang na bigyan ng malawak na kapangyarihan at diskresyon upang magawa ang kanilang tungkulin. Kasabay nito, umaasa din tayo na sa lalong madaling panahon ay makapagsumite ng resolusyon at mga rekomendasyon ang nasabing lupon.
Ibig ko lamang din pong susugan o dagdagan ang mungkahi. Magalang ko pong ipinapayo na kung maaari ay gawing kasapi din ng lupon na ito ang Kalihim ng Katarungan.

Naniniwala din ako sa integridad, katapangan, kahusayan at kabutihang-loob ni Kalihim De Lima.
Karapat- dapat mong ang mga mararangal at mabubuting taong gaya nila ang umupo sa ahensyang itatayo o ilulunsad upang siyasatin at imbestigahan ang buong isyu at eskandalong ito!

Hamon sa Pangulong Aquino

Ginoong Pnoy, inihalal po kayo ng malaking bahagi ng ating mga kababayan sa ilalim ng inyong programa o plataporma na “daang matuwid”. Ngayon po ay nahaharap sa sangandaan ang ating bansa. Hinahamon ko po kayo, sa ngalan ng ating mga kababayan na patunayan po ninyo ang katotohanan at katwiran ng sinasabi ninyong “tuwid na landas” ng pamamahala. Patunayan po ninyo na hindi baliko o baluktot ang nasabing landasin! Patunayan po ninyo na hindi baku-bako o lubog sa baha ang tuwina’y tinuturan ninyong daan!

Magalang ko pong iminumungkahi na malalim po ninyong pag-aralan ang pagbuwag at tuluyang pagbasura sa pork barrel.

Kasabay po nito, huwag mo ninyong patawarin at palagpasin ang kababuyan at kalapastanganang ginawa; ito ay masakit man pong sabihin ay ginawa pa ng mga mambabatas na sa halip na silang unang tumalima at sumunod sa batas ay sila pang promotor at numero unong sumansala, bumaboy at yumurak di lamang po sa ating mga batas, kundi po sa karapatan at kagalingan ng lahat ng mga Pilipino. Binaboy din po ng mga hayop at talipandas na mga ito ang ating imahe at dangal sa paningin ng pandaigdigang komunidad!

Wala pong kapatawaran ang kanilang mga kahayupan at kababuyan!

Tulad nga po ng tanong ninyo noong inyong nakaraang SONA: “Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”

Mahal na pangulo, pakitanong po itong muli sa harap ng kanilang mga pagmumukha!

Gamitin po ninyo ng maayos, noble at risonable ang lahat ng kapangyarihang ipinagkaloob sa inyo ng ating Saligang-Batas, upang maituwid ang karimarimarim na kawalanghiyaang ito!

Gamitin din po ninyo ng mahinusay, marangal at kaaya-aya ang lahat ng kapangyarihan ng ating pamahalaan at lahat ng mga institusyon nito upang habulin, papanagutin at pagbayarin sa harap ng batas at dalhin sa talampakan ng Hustisya ang mga salarin, halimaw, demonyo at mga dayukdok na ito!

Huwag po kayong matakot na gawin ang nararapat at makatwiran! Huwag po kayong mag-agam-agam o mag-atubili! Huwag po ninyong isipin ang kanilang magiging kontra-atake; kasama po ninyo kami, mahal na pangulo sa krusada at pakikibakang ito! Patunayan din po sana ninyo na kasama nga naming kayo!

Muli, sa ating pong mga Kababayan,

KUNG HINDI PO TAYO KIKILOS; SINO PA ANG KIKILOS? AT KUNG HINDI NGAYON; KAILAN PA?

Huwag po nating kalimutan na ang “payapang pampang ay para lamang sa mga pangahas na sasagupa sa alimpuyo ng alon sa panahon ng unos”.

Ibig po natin ng pagbabago, kailangan po nating kumilos upang magkaroon ng pagbabago! Sa atin pong mga sama-samang hakbangin at kolektibong pagkilos magmumula at bubukal ang pagbabago at transpormasyon ng ating lipunan!

Hindi po lahat ng panahon ay panahon ng pananahimik, sapagkat lahat po ng panahon ay panahon dapat ng pagpapasya! Hinihimok ko kayong lahat na gampanan ninyo ang inyong mga tungkulin, hindi lamang bilang mga mamamayan ng bayang ito, kundi higit pa, bilang mga mabubuti at mararangal na tao: lumahok at lumabas po tayong lahat sa ika-26 ng Agosto!

Magkaisa po tayo’t magbuklod, samahan at damayan po natin ang isa’t-isa upang muli nating ipakita sa pamahalaang na nasa atin ang Kapangyarihan! Na Tayo ang Lakas, na Tayo ang Lahat!

Panahon nang itakwil at ibasura ang Pork Barrel!

Sa lahat ng mga Baboy, Demonyo at Buwaya sa pamahalaan:

SA INYONG MGA BABOY AT SATANISTANG TONGRESMEN, SENADOGS, GAYUNDIN ANG ILANG MGA KASUMPA-SUMPANG MGA PRAYLE, MGA PEKENG NGOs, SA PANGUNGUNA NG PINAKABABOY NINYONG ITIM NA REYNANG NAPOLES;

MAGTAPATAN NA TAYO! SA NGALAN NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO, DERETSAHAN NA: SA INYONG LAHAT NA MGA PUNYETA AT BABOY NA NILALANG KAYO NA MAY KINALAMAN AT KAUGNAYAN SA DEMONYONG PORK BARREL NINYO NA PERA NAMIN — MGA PUTANG-INA NINYONG LAHAT!

SUMPAIN KAYO NG LANGIT! HATULAN KAYO NG KASAYSAYAN!

SISINGILIN NAMIN KAYO! MALAPIT NA ANG PAGTUTUOS AT PAGLILITIS!

Muli po, mga minamahal kong kababayan, panahon ng itakwil ang kababuyang ito at papanagutin ang lahat ng mga baboy na bumaboy sa pondo at kaban ng ating bayan!

Sa Agosto bente sais (26), Anibersaryo ng ating Dakila at Magiting na Rebolusyong-Pilipino ng 1896, magsama-sama po tayo’t magkaisa; muli po nating ipakita di lamang sa manhid na pamahalaang ito at higit sa lahat sa buong mundo na nasa atin ang Kapangyarihan, na Tayo ang Lakas, na Tayo Mismo ang Lakas!

ITULOY ANG DIWA NG REBOLUSYONG 1896!!

Magalang pong sumasainyong lahat,

Jose Mario Dolor De Vega

Lekturer ng Pilosopiya
Kolehiyo ng Sining at Agham-Panlipunan
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Iboto ang iyong #HRPinduterosChoice para sa HR BLOGGERS POST.

Ang botohan ay magsisimula ngayon hanggang sa 11:59 ng Nov 15, 2013.

Ikaw para kanino ka pipindot? Simple lang bumoto:
• i-LIKE ang thumbnail/s ng iyong mga ibinoboto sa HRonlinePH facebook, i-share at ikampanya.
• Bisitahin ang post sa HRonlinePH.com (links sa bawat thumbnail) at pindutin ang button sa
poll sa ilalim ng bawat nominadong post.
• Most number of the combined likes sa FB at sa poll buttons ang magiging 3rd HR Pinduteros
Choice na kikilalanin sa 2013 HR week celebration.

Makiisa sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa karapatang pantao. Pindot na!

WHAT IS 3RD HR PINDUTEROS CHOICE AWARDS? https://hronlineph.com/2013/10/01/3rd-human-rights-
pinduteros-choice-awards/

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.