Tag Archives: Mokong Republic

[Isyung HR] Ligo na you, wangwang na me.

by Mokong Republic

For the sake of our new readers.  Ang Isyung HR po ay inilalabas ng HRonlinePH tuwing Linggo.  Layunin nitong gawing magaan ang mga isyung bumabatbat sa karapatang pantao.  

Announcement:

On August 30, the international human rights community will be commemorating the International Day of the Disappeared (IDD). There will be activities in honor of all the victims of enforced disappearance.  Ang Coalition Against Enforced Disappearance led by FIND and AFAD ay may “I Have RAGED” na isang mala-Fun run na ang ibig sabihin ng RAGED ay Run Against Enforced Disappearance. Everyone is invited JOIN na!

Ayon po sa isang source natin ay may pa-event din po ang security forces under the OPLAN BAYANIHAN in secret. Pero dahil sa wikileaks ay nabisto po ang mga kamokongang ito.  Ang nasabing event ay mga palaro tulad ng taguan pung forever, ejk and poy, mataya-taya patay at agawan base.

HRscope:

Dahil sa pinagbawal ni PNoy ang paggamit ng wangwang pinapayo ng mga bituin na gumawa ng mga signs ang MMDA upang swertihin sila.  Tulad ng “Bawal magwangwang, nakakamatay,” at “one wang.”  Iwanan na lamang ang isyu ng paninigarilyo at mga billboards, sasablay. Huwag magpakabihasa sa income generation, hindi niyo trabaho ‘yan.

Para kay Lacierda, payo ng mga bituin, iwasan ang pagiging spoiled brat upang hindi magmaktol si Midas Marquez.  Sige ka lagot ka pag umiyak ‘yan.

May nag-aabang na gantimpala sa pagsasakripisyo ni Iggy Arroyo para sa kapatid na si Mike Arroyo.  Sasalo ka ng swerte dahil sa palagiang pagsalo sa ibinibintang kay Mike Arroyo. Isa kang dakilang kapatid… Ano ba’t pasasaan at makakamtan mo din ang matagal nang hinahangad, ang makulong para sa mahal na kapatid.

Maswerte si Neric Acosta at appointed siya sa isang susing pusisyon sa malakanyang adviser for environment.  Sisikat kang lalo.  Payo ng mga bituin, mag-ingat lang at baka ka sumikat dahil sa pagiging desusi para sa  kalikasan.

Wala sa priority bills  ni PNoy ang compensation para sa mga biktima ng human rights violations ng Martial Law.  Payo ng mga bituin, mag-ingat sa mga sinasabi sa SONA na hindi kayang pangatawanan.

Upang maipasa ang nilalobby na batas laban sa sapilitang pangwawawala, pinapayuhan ng mga bituin ang mga human rights defenders na baguhin ang titulo nito. Gawin na itong “Batas laban sa sapilitang pangwawangwang.”

Gayundin ang pagtutulak na magkabatas para sa proteksiyon natin laban sa EJK. Baguhin ng kaunti ang titulo ng proposed bill, gawin itong anti-Extra WangWang Killings Act. Siguradong pasok ‘yan.

Ang Poleteismo ni Mideo Cruz ay tinuligsa, ang payo ng mga bituin ipagpatuloy lang niya ‘yan dahil effective siya. Ika nga ng mga bituin, You cannot please everybody but not everybody can make the Catholic Church react this way.  And not everybody belongs to the Catholic Church.

Payo ng mga bituin “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay may stiffed neck” Pero ang payo ng mga bituin kay GMA, magpahinga ka na kasi, tama na sobra na.

Balitanghunghang

  • Mga Right to Food activist mag-ha-hunger strike. Panawagan kay PNoy: huwag niyo kaming gutumin!
  • Nueva Viscaya hindi natakot sa Bagyong Mina. Ayon pa sa kanila… “Sanay na kami, matagal na kaming binabagyo ng malawakang pagmimina.”
  • Ara Mina nagreklamo sa PAGASA, black propaganda raw na ipangalan sa kanya ang bagyo.
  • Gng. Arroyo, mainam na ang kalagayan. Mamamayan nagbanta ng riot dahil sa balita.
  • Smoke free campaign ng MMDA tinuligsa. Mga naninigarilyo nagbantang mag-smoke hunger strike.

Now showing in mokong theaters only

  • Ligo na you, wangwang na me
  • Ang wangwang sa septic tank
  • Patayin sa wangwang si Remington
  • Rise of the planet of the wangwang
  • Cowboys and wangwangs