Tag Archives: akbayan party list

[In the news] Mga Pinoy nananawagan na lisanin na ng China ang Panatag Shoal -GMA News

Mga Pinoy nananawagan na lisanin na ng China ang Panatag Shoal.

GMA News
May 11, 2012

Kasabay sa isang kilos-protesta laban sa pag-angkin ng China sa Panatag (Scarborough) Shoal, nanawagan nitong Biyernes ang isang party-list group sa Beijing na lisanin na ang  lugar at ihinto na ang pambu-bully nito.

Ayon sa sulat-pahayag ng Akbayan party-list group, nagkaisa ang mga Pilipino sa buong mundo sa panawagang ihinto na ng China ang tangka nitong pag-ankin sa pinagtatalunang shoal na umano’y halatang pag-aari ng Pilipinas.

“Today, Filipinos from different parts of the world rise up to confront the bullying of the Chinese government in the region. We hope China hears us loud and clear. We may be a small nation, but we will not let our country’s sovereignty be trampled upon,” ayon kay Akbayan acting president Marie Chris Cabreros.

Ayon sa Akbayan, ang kilos-protesta na tinaguriang “Global Day of Action against China’s bullying in the West Philippine Sea,” ay ang pinakamalaking pagkilos ng mga Pilipino para  sa “immediate pull out” ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Read full article @ www.gmanetwork.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.