[Press Release] Kumpirmado: Mga gurong uupo sa halalan, kakaltasan ng 20% sa honorarium | TDC

Kumpirmado: Mga gurong uupo sa halalan, kakaltasan ng 20% sa honorarium

Ayon kay Benjo Basas, National Chairperson ng TDC, ito umano ang kinumpirma ng ilan nilang kasapi na dumalo sa isinasagawang pagsasanay kaugnay sa darating na halalan sa Mayo.

“Para namang atat na atat sa maliit na halagang masisingil ang BIR sa ating mga guro at talagang kinaltas na ang P200 sa P1000 na transportation allowance. Kung tutuusin ay halos wala nang halaga itong P1000 lalo pa ngayong sobra-sobra nang nagtaas ang presyo ng langis. Baka sa huli abonado pa ang mga teacher natin,” ayon kay Basas.

Nananawagan ang grupo sa Comelec at DepEd at maging sa mga mambabatas na agad na himukin ang BIR na suspendihin ang pagpapataw ng buwis na ito na ayon sa grupo ay hindi makatarungan.

“Yung mga teacher natin na piniling umupo sa halalan kahit may security at health risk at kahit maliit ang honorarium ay dapat lalo pang bigyan ng incentives at hindi kuhanan ng buwis,” dagdag pa ni Basas.

Sa mga ulat na natanggap ng TDC mula pa noong nakaraang linggo ay bawas na n g P200 ang dapat sana’y P1000 na transportation allowance bago pa ito ibigay sa mga guro.

Kabilang si Ryan Dela Cruz, guro sa Muntinlupa sa mga nagsasanay sa kasalukuyan sa Eurotel Las Pinas sa mga makatatanggap ng P800 ngayong araw.

“Nagulat nga kami kasi pinaghahanda pa ng P200 ang mga teacher para maging sukli sa iaabot nilang P1000. Walang kawala, napakasegurista. Sana ganito rin sila sa lahat ng dapat nilang buwisan,” himutok ni Dela Cruz.

Ayon sa Comelec Resolution 10727, ang honorarium sa mga gurong uupo sa Electoral Board ngayong halalan ngayon ay P7,000 para sa chairman at P6, 000 para sa members at karagadang kabuuang halagang P2,000 na transportation allowance sa kanila.

“Sa tingin namin ay hindi naman ito malaking kawalan sa gobyerno, mas dapat habulin ang mga tax eavders mula sa mga bilyonaryo, mga pulitiko at mga korporasyon, kung seryoso tayong buwisan ang mga kumikita,” pagtatapos ni Basas.

Nagpadala na ng pormal na liham ang TDC sa COMELEC at humingi na sila ng dayalogo kay Chairman Saidamen Pangarungan hinggil dito at sa iba pang mga hinaing ng mga guro kaugnay sa halalan, naghihintay na lamang umano sila ng tugon mula sa ahensiya. #

Reference:
Benjo Basas, National Chairperson
0927-3356375

For case study:
Ryan Dela Cruz, Muntinlupa Teacher
09298082057

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.