[Press Release] Healthcare workers harbor doubts about Palace decision to give benefits, assert that the struggle continues | BMP

#HumanRights #Frontliners #Workers

Healthcare workers harbor doubts about Palace decision to give benefits, assert that the struggle continues

Leaders from private hospital unions remain apprehensive on the reported order of President Duterte to the DBM and DOH to give healthworkers the benefits under Bayanihan 2 they have yet to receive within ten (10) days.

According to Jao Clumia, President of the St. Luke’s Medical Center Employees Association – QC (SLMCEA-QC), “Bago po tayo maglulundag sa tuwa sa pangyayaring ito ay kailangan muna nating tiyakin na ang kautusan ng pangulo ay hindi dapat magsilbing malamig na tubig na ipinambuhos sa ngitngit ng mga manggagawang pangkalusugan kungdi isang kongkretong aksyon bilang tugon sa aming mga inihapag na kahilingan. Ang walang diskriminasyong pagpapatupad ng nasasaad na mga benepisyo sa ilalim ng batas: na lahat ng mga manggagagawang pangkalusugan anuman ang posisyon, anuman ang estado sa pag-eempleyo, regular man o kontraktuwal, ay dapat na makatanggap dahil ito naman ang mga nasasaad sa batas na kanyang (Duterte) pinirmahan. Nag-aalala kami dahil hindi ganito ang intindi ni Sec. Duque sa utos ng kanyang amo at tigas-mukha pa ring iginigiit ang selektibo at limitadong pagbibigay ng benepisyo!”

For Don Siazon, President of the UST Hospital Union, “Natuto na kami. Ganito rin ang aming pakiramdam nang pasimulan namin ang paglaban sa kapakanan ng mga manggagawang pangkalusugan sa mga pribadong ospital. Nang pangakuan kami ng mga benepisyo bilang proteksyon at pagkilala sa aming ambag sa paglaban sa krisis ay panibagong lakas ang dulot nito sa amin sa pagkakapasa ng Bayanihan 2. Noon pa kami nagbabala sa gobyerno tungkol sa pagtitiyak na ang mga manggagawa ay hindi lamang bilang kapital sa pagpapasa ng batas kungdi mga benepisyaryo dapat ng mga probisyong nakasulat dito. Hindi ganun ang nangyari! Nilinlang kami ng DOH sa kung ano-anong mga prosesong diumano ay kailangang sundin na sa dulo ay ang pagkakapaso ng batas at wala kaming natanggap na benepisyo laluna sa mga pribadong pagamutan.”

Duterte’s order to the DBM and DOH was provoked by the warning of healthcare workers for a coordinated “lockdown” of private hospitals if they do not receive the benefits due to them under Bayanihan 2. They also participated in hearings in both houses of Congress regarding the reports of COA baring the mismanagement of the DOH over its P67 billion fund.

“Hindi pa tapos ang laban hangga’t hindi natatanggap ng lahat ng mga mangggagawang pangkalusugan ang mga benepisyo tulad ng SRA, life insurance, meal, accommodations and transportation. Hindi kami mananahimik sa pagpaparating sa kinauukulan ng mga kaapihang aming sinasapit sa panahong ito ng krisis. Patuloy kaming kikilos para sa mas maunlad na mga benepisyo at proteksyon sa aming hanay. Nagbibilang kami ng sampung (10) araw batay sa utos ni Duterte sa DOH at DBM para kami ay bayaran at hangga’t hindi natutupad ang nabanggit ay tuloy ang laban!” the 2 union leaders concluded.##

(Filipino Version)
Tuloy ang laban!

UTOS NG PALASYO PARA IBIGAY ANG MGA BENEPISYO NG MGA MANGGAGAWANG PANGKALUSUGAN UMANI NG AGAM-AGAM MULA SA MGA UNYON SA PRIBADONG OSPITAL

Ganito ang tono ng mga lider-manggagawa mula sa mga pribadong ospital sa napa-ulat na kautusan ni Pangulong Duterte na nagbibigay taning na sampung (10) araw sa Department of Budget Management (DBM) at Department of Health (DOH) para ibigay sa mga manggagawang pangkalusugan ang mga benepisyong dapat nilang matanggap.

Ayon kay Jao Clumia ng St. Luke’s Medical Center Employees Association, “Bago po tayo maglulundag sa tuwa sa pangyayaring ito ay kailangan muna nating tiyakin na ang kautusan ng pangulo ay hindi dapat magsilbing malamig na tubig na ipinambuhos sa ngitngit ng mga manggagawang pangkalusugan kungdi ng isang kongkretong aksyon bilang tugon sa aming mga inihapag na kahilingan. Ang walang diskriminasyong pagpapatupad ng nasasaad na mga benepisyo sa ilalim ng batas. Na lahat ng mga manggagagawang pangkalusugan anuman ang posisyon, anuman ang estado sa pag-eempleyo, regular man o kontraktuwal, ay dapat na makatanggap dahil ito naman ang mga nasasaad sa batas na kanyang (Duterte) pinirmahan. Nag-aalala kami dahil hindi ganito ang intindi ni Sec. Duque sa utos ng kanyang amo at tigas-mukha pa ring iginigiit ang selektibo at limitadong pagbibigay ng benepisyo!”

Para naman kay Don Siazon ng UST Hospital, “Natuto na kami. Ganito rin ang aming pakiramdam nang pasimulan namin ang paglaban sa kapakanan ng mga manggagawang pangkalusugan sa mga pribadong ospital. Nang pangakuan kami ng mga benepisyo bilang proteksyon at pagkilala sa aming ambag sa paglaban sa krisis ay panibagong lakas ang dulot nito sa amin sa pagkakapasa ng Bayanihan 2. Noon pa kami nagbabala sa gobyerno tungkol sa pagtitiyak na ang mga manggagawa ay hindi lamang bilang kapital sa pagpapasa ng batas kungdi mga benepisyaryo dapat ng mga probisyong nakasulat dito. Hindi ganun ang nangyari! Nilinlang kami ng DOH sa kung ano-anong mga prosesong diumano ay kailangang sundin na sa dulo ay ang pagkakapaso ng batas at wala kaming natanggap na benepisyo laluna sa mga pribadong pagamutan.”

Ang utos ni Duterte sa DBM at DOH ay bunsod ng banta ng mga health care workers (HCWs) na maglunsad ng isang coordinated lockdown ng mga private hospital kung hindi nila makukuha ang mga benepisyo sa ilalim ng Bayanihan 2. May mga isinagawa ring mga pagdinig sa Senado at sa Kamara patungkol sa mga natuklasan ng COA na palpak na pamamahala ng DOH sa pondong nagkakahalaga ng 67 billion.

“Hindi pa tapos ang laban hangga’t hindi natatanggap ng lahat ng mga mangggagawang pangkalusugan ang mga benepisyo tulad ng SRA, life insurance, meal, accommodations and transportation. Hindi kami mananahimik sa pagpaparating sa kinauukulan ng mga kaapihang aming sinasapit sa panahong ito ng krisis. Patuloy kaming kikilos para sa mas maunlad na mga benepisyo at proteksyon sa aming hanay. Nagbibilang kami ng sampung (10) araw batay sa utos ni Duterte sa DOH at DBM para kami ay bayaran at hangga’t hindi natutupad ang nabanggit ay tuloy ang laban!” pagtatapos ng dalawang lider-unyon.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.