[Right-up] Para sa inang masa at mga kababayan -by Jenny Linares

Para sa inang masa at mga kababayan
by Jenny Linares

Ang sabi ng iba’y mali daw ang labanan ang gobyerno,
ngunit paano kung ang gobyerno
ay mali at abusado,
paano kung ang gobyerno
yurakan na ang sariling mga karapatan mo
paano kung ang gobyerno
idamay na ang pamilya’t mga mahal mo?
Kung hindi ka kailanman umalma
sa mga patakaran ng gobyerno,
Sino ang lalaban para sa iyo
kapag dumating ang panahong ikaw na mismo
ang di makaligtas, ikaw na mismo ang makaranas, ikaw na mismo ang mangailangan nito? Nitong mga karapatang pantaong isinusuka mo.

Ano ang kahihinatnan ng bayan
kung walang sinumang lumaban
para sa mga teritoryong iniisa-isang kamkamin ng mga dayuhan?
Saan pa tayo pupunta o kukuha ng likas nating yaman, kung dumating ang araw,
hindi na atin ang sarili nating mga karagatan?

Ano ang kahahantungan ng kabataan,
na winika pa man din ni Rizal, silang “pag-asa ng bayan”
kung sa halip na lingapin, turuan, iligtas, at hubugin,
ang nais nating gawin mabulok sila sa piitan,
pagbayaran ang mga kasalanan ng mga matatandang silang nagkulang?

Ano ang kinabukasan ng ating mga magsasaka at manggagawa, ng ating mga katutubo’t mga lumad na nagdaralita?
Kung sa lugar ng kanilang pamumuhay at paggawa,
hahayaan nating lumaganap ang militarisasyon at pang-aabuso,
kung isang araw ideklara ang Martial law sa buong bansa–saan pang lugar sila tatakbo,
kung saan man pumunta, lagi silang tinutugis at agrabyado?

Ano ang kinakaharap ng mga ulila at patuloy
na inuulila ng walang habas pa ring patayan at EJK sa buong bansa?
Sino pa ba ang makapagtuturo sa kamay ng hustisya,
kung itinuro ka na lamang basta na sangkot sa droga?
Paano hihilumin ang bayan
kung ang mismong mayoryang ng Pilipino,
nananatiling bulag at mangmang,
Sampalataya sa diyus-diyosang
patuloy ang paggahasa sa inang bayan?

Ang sabi ng iba’y mali daw ang lumaban sa gobyerno,
ngunit tayong lahat ang bumubuo ng bansang ito,
hindi ang mga politiko,
hindi ang mga makapangyarihang
nasa puwesto.
Kung hahayaan natin, O inang masa ng bayang ito,
O mga kababayan,
na lumuha ang kapwa natin mga Pilipino,
sa mga pagdurusang “sila lang naman ang nakakaramdam,”
mga paghihirap na para sa kanila, pagkat sila ay “adik” o “aktibista” ay “dapat lang”
Baka isang araw, kabayan, ang lumuha ay ang mga mahal mo sa buhay at ikaw naman.

Paano ka pa sisigaw, kung napatay na ang lahat ng “nanlaban?”

Kabayan, gumising ka
Tanungin ang sarili, “nasa tamang panig ba ako ng kasaysayan?”
O kasali sa nakararaming mangmang?

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s