[Statement] Karapatan, kagalingan, Pagkalinga, dignidad, sigaw ng mga guro sa teachers’ day motorcade – TDC

KARAPATAN, KAGALINGAN
PAGKALINGA, DIGNIDAD
Sigaw ng mga Guro sa Teachers’ Day Motorcade

Pasalamatan natin ang ating mga guro. Ito’y ayon mismo kay Pangulong Aquino sa kanyang ikalawang SONA noong Hulyo 2011. Sinundan ito ng pormal na deklarasyon ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, alinsunod sa Presidential Proclamation 242. Sa panig naman ng DepEd ay inulunsad ang “Thank You Teachers Campaign” na naglalayong kilalanin at pasalamatan ang natatanging ambag ng mga guro sa bawat mag-aaral at sa buong lipunan.

Bagamat natutuwa tayo sa mga ganitong pormal na pagkilala ng gobyerno ay higit pa sana sa pasasalamat at pa-puri ang dapat na ibigay ng ating pangulo at ng DepEd sa atin. Higit sa papuri ay hinahamon natin ang ating pamahalaan na gawin ang kanyang obligasyon sa mga guro at sa pampub­likong edukasyon. Batid ni P-Noy at ng DepEd ang malawak na kakulangan sa ating mga paaralan, lalo na sa classroom at sa mga guro. Gayundin, itinulak ng gobyerno ang K-12 prog-ram na walang kaukulang paghahanda at lubos na kapos sa budget. Hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng mga guro sa Kindergarten ang P3000 kabayaran para sa kanila mula noong Hunyo. Muli na namang isinakripisyo ang kapa­kanan ng mga guro.

Ito ang masaklap na katotohanan. Lagi tayong nauuna sa sakripisyo at nahuhuli sa benepisyo. Ngayon pa namang ipagdiriwang ang World Teachers’ Day sa October 5. Ang araw na ito ang idineklara ng UNESCO bilang pagkilala sa UNESCO/ILO Recommendations Concerning the Status of Teachers na nilagdaan noong October 5, 1966. Ito rin ang naging batayan ng pagsasabatas ng ating Magna Carta for Public School Teachers o RA 4670 noon taon ding iyon.

Sa ganitong batayan natin hinahamon ang ating pamahalaan na ibigay ang nararapat para sa atin. Ang mga benepisyo sa ilalim ng GSIS. Ang mga karapatang ipinag­kakaloob ng Magna Carta. Subalit, ang mga nagdudumilat na katotohanang araw-araw ay dinaranas nating mga guro ay ito- masikip na classroom, kulang sa mga pasilidad at materyales, kulang na pasahod at baon tayo sa utang, walang serbisyong medikal at disenteng pabahay, napakataas na buwis at presyo ng bilihin.

Sa kabila nito, narito pa rin tayo sa ating bayan. Nagtitiyaga. Nagtitiis. Kaya marapat lamang na purihin at pasalamatan. Ngunit, lampas sa pasasalamat at papuri, dapat tayong bigyan ng pagkalinga at tunay na pagpapahalaga.

Ipaglaban ang Makatarungang Pasahod, Pabahay at
Serbisyong Medikal para sa mga Guro!

Itaas ang Badyet sa Edukasyon at
Serbisyong Panlipunan!

Sumama sa Teachers’ Day Motorcade, October 5, 2011 from Caloocan to GSIS and Senate Offices in Pasay

*Assembly Time is 11:00AM at EDSA-Balintawak (westbound, between Gen. Mascardo and Gen. Evangelista)
*Those who are coming from ULTRA-Pasig may take the EDSA route
*Dialogue with GSIS Chairman and PGM at 1:30PM and with Senators at 3:00PM
*Flaglets, streamers, posters and tarps are available upon re­quest at TDC Office

PUBLIC STATEMENT
October 1, 2011

Reference:
Benjo Basas. National Chairperson
0920-5740241

Teachers’ Dignity Coalition
Mobile # 0922-8831467/0915-3785069/0920-5740241
Telephone # 3853437/4350036
117-C Matatag St., Bgy. Central, Quezon City
teachersdignity@yahoo.com.phhttp://www.teachersdignity.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.