[Statement/Events] Unahin ang mga Titser! Pahayag ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC)

Unahin ang mga Titser
Pahayag ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), Mayo 26, 2011

“Ang paraalan ang salamin ng bayan… ang saligan ng lipunan. Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng bayang iyan at ipakikita namin sa inyo ang kinabukasan ng bayang iyan.”
Jose Rizal (Noli Me Tangere)

Magpapasukan na naman. Mistulang bagong taon para sa ating mga guro ang ganitong panahon. Magsisimula ang mga panibagong hamon. Muli tayong sasabak sa mga paghahanda- Brigada Eskwela, school-based INSET, enrolment at meetings.

Ang mga kakulangan

Minsan pa’y mapapansin ng madla at masmidya ang mga kakulangan sa ating mga paaralan. Kulang na classrooms, upuan, mesa, banyo, libro, computer at iba pang pasilidad. Higit sa lahat, kulang ang mga guro. Ang masaklap, tayo ang pumapasan sa lahat ng kakulangang ito.

Sino nga ba ang nagkulang?

Ayon mismo sa datos ng DepEd, aabot sa 152, 000 ang kulang na classroom para sa taong ito, samantalang mahigit sa 100, 000 guro ang kakailangan. Subalit, naglaan lamang ng budget para sa 13, 000 classrooms at 10, 000 teachers. Taun-taon pa nama’y nadaragdagan ang bilang ng ating mga mag-aaral, mas mabilis silang lumaki kaysa budget na inilalaan.

Ang K+12

Samantalang wala tayong pagtutol sa batayan ng programang ito, hindi naman tayo kumbinsido na ito na nga ang ultimong solusyon sa problema. Kailangan pa rin ng kumprehensibo at sinserong konsiderasyon sa kalalagayan ng mga pampublikong paaralan bago tayo tumungo sa isang ambisyosong programang gaya ng 12-year basic education system. Kailangang tugunan muna ang mga pangunahing pangangailan bago ang ipatupad ito, sapagkat kung hindi ay maaring masayang lamang ang oras at guguling ilalaan dito. Higit sa lahat, mga guro muli ang maisasakripisyo.

Universal Kindergarten System

Itinutulak natin ang free and universal kindergarten system upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng bata, maging ang mga anak ng maralita na mabigyan ng pre-school education. Subalit hindi naman tayo pabor sa uri ng implementasyon na balak gawin at ginagawa ng ating kagawaran hinggil dito. Batay mismo sa DepEd Order No. 37, s. 2011 ay nakatakdang lumobo ang bilang ng contractual teachers. Sila ay mga gurong magtuturo na walang katiyakan sa seguridad sa trabaho at pasasahurin lamang ng P3, 000 hanggang P6, 000 kada buwan. Sila ang mga gurong nakatakdang magpatupad ng inisyal na programa ng K+12. Ibig sabihin, sa K+12 na pangunahing programa ng ating pangulo sa edukasyon ay muli na namang isasakrispisyo ang karapatan, kagalingan at dignidad ng mga guro.

Bigyang-prayoridad ang Edukasyon, Unahin ang mga Guro

Kung sinsero ang Pamahalaang Aquino na iangat ang kalidad ng edukasyon at abutin ang international standard, dapat ay hindi lang sa haba ng taon tayo sumabay. Dapat ay ihanay natin sa buong mundo ang ating istandard sa budget, pasilidad, class size, teacher to student ratio atbp. Higit sa lahat, dapat ay unahin natin ang kapakanan ng ating mga guro. Sapagkat lahat ng programa sa edukasyon, gaano man ito kaganda ay hindi magtatagumpay kung hindi seryosong tutugunan ang pangangailangan ng mga guro. DAPAT UNAHIN ANG MGA GURO!

Sapat na Benepisyo sa mga Guro, Sapat ng Badyet sa Edukasyon!

Sa Hunyo 5, 2011, huling araw ng bakasyon, ito ang ating panawagan. Ipakita natin sa buong mundo na ang mga gurong Pilipino ay handa nang tumugon sa hamon ng paglilingkod. Hamunin din natin ang pamahalaan na tugunan ang mga pananagutan nito sa mga guro at buong sistema ng edukasyon. Sumama sa ating mga pagkilos at pagdiriwang.

==========================

“Bike for Teachers’ Dignity, Bike for Education”

June 5, Sunday, 7:00AM from UP Diliman to Quezon Memorial Circle.

Everyone is invited to join with their bicycle, motorcycle or any kind of vehicle for UP-QCMC ride/motorcade. The front row will be filled by bicycles inspired by Pres. Aquino’s recent bike ride in QCMC.

Simultaneous activities in other places:

Bataan-Walk for Teachers and mass in Balanga Cathedral

Pampanga- Walk for Teachers and program in San Fernando City

Quezon- Motorcade in Lucena City and mass at Lucena West ES

Laguna- Motorcade from Sta. Cruz to Calamba

Cavite- Motorcade from Trece Martires to Aguinaldo Shrine (Kawit)

Sorsogon- Walk for Education in Sorsogon City

(Please feel free to communicate with the numbers below for details of these activities)

Teachers’ Dignity Coalition
117-C Matatag St., Bgy. Central, Quezon City
Hotline: (02) 3853437/Telefax: (02) 4350036
Mobile nos: 0920-5740241/ 0922-8831467/ 0915-3785069/ 0908-9933045
Email/FB: teachersdignity@yahoo.com.ph/ Website: http://www.teachersdignity.com

One comment

  • Some of your members aren’t good examples as a teacher. They were famous for being absent in school. I think you should do some actions about it. You need to check their standing in school, because they represent your group. One of your spokesperson in Valenzuela will be focusing in your group for 6 months and she filed her leave with pay for 6 months also in Valenzuela. She will leave her students without thinking about her students conditions while she is on leave. I think she’s just thinking about her own advantages. She’s not concerned about her students. That’s not a good example as a teacher. As a teacher you should think about your students sake and not your own advantages.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.